|
bakit parang biglang hindi na kita kilala? saan bang bato ako natapilok? saan bang lubak ako nadapa? bakit biglang naiwan na pala ako?
mahal kita.
hindi ko alam kung nagkamali ba ako sa desisyon kong un.. o ano na nga ba.. mali lang siguro na umasa ako.. oo nga pala. hindi ko dapat ginawa yun. ano mo ba ako? ano ba kita? tama. wala.
mahal kita.
nagtatanong ako pero hindi nagsisisi na ikaw ang pinili kong mahalin. tanga na ako kung tanga. pero sabi nga ng kanta, "kung magagawa ko lang, puso ko ay maturuan.. na umibig sa iba di ko pipigilan". pero hindi. sinubukan kong magmahal ng iba pero hindi ko kaya.
mahal kita.
tinanggap kita nang buo. lahat ng tama, lahat ng mali. pero hindi ko yun dapat isumbat sa 'yo. kasi dapat noon pa lang naintindihan ko na.. na hindi dahil tinanggap ko kung ano ka e ganun na rin ang gagawin mo sa akin.
mahal kita.
pero malaking pagkakamali ang umasa ako. kasi wala naman talagang "tayo". may "ikaw at ako" pero di kailanman nagkaroon ng "tayo".
|